Saturday, May 29, 2010

Mahal ko kaibigan ko.. "BOYLET"



Ang buhay ay di natin matanto, di nga natin alam ang mga simpleng detalye ng ating buhay na parating. Ang alam natin ay kung ano ang meron at sino ang naroon.







Bawat pagtahak sa ating landas ay naroon ang mga taong nagbibigay inspirasyon o nagdadala ng kapahamakan. BESTFREN ika nga ay parang kahati ng ating buhay, minsan nga lang nagkakalabuan ngunit nagkakaayos rin. Wala nga naman perpekto sa mundo. Pagpapatawad at pagtanggap kung ano at sino man ito.





Boylet, hindi ito isang expression lamang ngunit isang indie film na gawa sa pilipinas, hindi gaanung kaganda ang sinematograpiya at ang produksyon ngunit ang nilalaman at moral na binabahage sa mga nanunuod ay katumbas sa mga hollywood na palabas.





Hindi man tayo magkatulad ng gusto pero huwag natin husgahan ang gawa kung di natin alam kung ano ang meron at nakapaloob nito.





Ang FILM ay tungkol sa magkaibigan na malayo ang antas ng buhay. Si Krys na nakakapunta sa paaralan at may inang gumagabay at umaaruga, Si Jeof, isang binatang kulang sa pansin ng magulang at isang tambay na kumukupit ng mga kable at pambabakla ang binubuhay kasama ng kanyang mga trupa.





Magkaiba man ang antas at iba ang takbo ng buhay ngunit la pa ring makakatumbas sa samahang bigay ng tunay na pagkakaibigan. Pagkakaibigan na gagawin lahat ang nararapat at sakripisyo para sa kapakanan ng kaibigan. Kaibigan o kasintahan?


Indie Film ( BOYLET )


-magandang panoorin. wag lamang maghahangad ng kabastusan ngunit ang nilalaman ng palabas.

Humusga ka kung napanuod mo na.

-pen